Another persons random journey


Another Epic past story of a person who we hide by the name "Zhenenaru".
As the story unfold, it is actually sad in the end so try to understand very precisely on what's the story is all about.

____________________________________________




























The Primary days -Start of new journey-

Elementary pa ako, crush ko na itong isang classmate ko. as in, patay na patay ako. syempre elementary eh, so wala pang alam sa stuff
classmates kami from grade 2 to grade 6
pero we never talked to each other. not even once.
ilang na ilang kami mag-usap
no talk kahit nung graduation

The Highschool Days -Curiosity kills the cat-

Then came the highschool. Hindi na kami magkaklase,
siya nag-stay dito sa city na kinalakihan namin, ako naman sa Davao nag-highschool.
Pisay kasi, kaya kinagat ko ang scholarship.
So yun. first year ako nun, me nagtext sa 3310 ko (wala pang ibang phone noon)
number lang.
Tinanong ko, "sino po to?"
so yun. nagreply "si ******* ito. haha."
Hindi ko sasabihin pangalan
let's hide her under the name of "Angel".
So sabi nya "si Angel to"
haha. nagreply ako "ayyy, ikaw pala. musta n?"
nagreply sya "eto, masakitin pa rin. kaw ba? talino mo grabe"
long story short, naging textmates kami
halos everyday kami nagtetext, tapos eto yung panahon na 30php pa yung unli
that's 2005
So yun. until ginawan ko ng damoves. syempre matapang ako kasi text lang
sabi ko "so ngayon, may bf ka na ba? ganda mo kasi kaya marami ka sigurong suitors"
tapos reply nya "haha di naman. wala akong bf. pero siguro gusto ko rin".
Pakipot pa sya alam ko naman saan papunta yun.

The Courting

So yun. after a few texts, niligawan ko sya through text.
then sinagot naman nya ako.
pag-uwi ko galing davao (8 hours land travel kaya pagod ako), diretso ako sa bahay, naligo, tsaka pumunta sa kanila
then yun, ilang na ilang kami kasi perstaym namin mag-usap personally
tapos yun, kain kami sa jollibee, ikot-ikot sa mall, kain na naman, etc
i was... 13 yrs old at that time
just like a typical date
Tapos inuwi ko sa kanila.
Tapos yun. balik na naman ako sa davao kasi tapos na sembreak.

The Breaking

then after a month nakipagbreak sya
Wait, it'll get sadder
Nakipagbreak sya kasi sabi ng parents nya atupagin daw muna nya pag-aaral. typical reason, pero i was so naive at that time.
syempre first gf ko yun, so iyak ako
wala na naman kaming communication for around... a year
then 2nd year na ko, nalaman ko na lang na may sakit pala sya

The Unexpected tragedy

Random bleeding
like yung tipong masusugatan ka na di mo alam,
tapos di mo feel.
So ayun, nung 3rd year kami nabalitaan ko na she passed away
blood clotting sa brain ang cause

and to think na may GF na ko that time. my 3rd.

Ang awkward nung burol nya.
Sabi ng bestfriend nya na ako lang daw naging bf nya. wala daw syang sinagot na iba
Andaming manliligaw pero waley lahat.
Kasi nung elementary kami crush nya rin pala ako
which reminds me, death anniversary niya August 7

nope. and even if i have a photo of her, i wont share it

The unspokened happenings in "Her" past

Malapit sya na-rape ng tricycle driver
buti me mga tambay na nakakita.
MALAPIT LANG.
We were grade 6 at the time
tapos pagdating nya sa classroom todo iyak sya
kami naman ng mga classmate ko na lalaki "tara bugbugin natin?"
pero after school i remember myself na nakatambay sa labas ng gate ng school, hinihintay yung motorcycle

____________________________________________



_______________________________________
Angelo Martinez
Random Poster at Philippines Otaku
Random moderator at PHILIPPINES OTAKU group
Email us at philippinesotaku@yahoo.com


No comments:

Post a Comment